Mga itinatagong damdamin,kuro-kuro, at saloobin ng isang taong tahimik pero pag bumanat sobrang nakakakilig heheh
Huwebes, Marso 29, 2012
Mutualism
Ang pinaka magandang relasyon ay ang isang may continuous na sharing. Sharing ng mga kwento para sa mabuting pagkakakilala. Sharing ng sikreto para sa pundasyon ng tiwala. Sharing ng interest para sa mas makabuluhang attraction. Sharing ng experiences para sa matibay na samahan . Sharing ng mga pangarap. Sharing sa hirap, sharing sa ginhawa. Sharing ng luha sa mga kabiguan. At sharing ng yehey!, yahoo!, hooray!, yepa!, woohoo!, at apir! sa bawat tagumpay
Lunes, Marso 26, 2012
MISTAKE
Kung wala kang nagawang tama ngayong araw kundi puro mali, ayos lang ‘yun.
At least, may nagawa ka kahit mali.
Bukas, gumawa ka uli para masaya. Masarap kayang mag-ipon ng mali.
Kapag marami ka nang naipon, magiging magaling kang tagapayo sa mga tulad mong talunan.
‘Pag nangyari ‘yun, magiging makabuluhan ang iyong buhay dahil nakatulong ka sa iyong kapwa.
Doon na mag-uumpisa ang paggawa mo ng tama, ‘di ba?
Linggo, Marso 25, 2012
Ingat bro ha
normal na sa atin yun pagsasabing “ingat” kung may aalis na kabarkada, asawa, girlfriend o anak. Pero kung halimbawa nagko-commute ka naman, paano ka mag-iingat? Pano kung kaskasero yung jeepney driver? yung bus driver? Kung may bumangga sayo? Pano kung biglang bumagsak yung sinasakyan mong eroplano o lumubog yung sinasakyan mong barko, pero sa sarili mo sobrang nag-iingat ka naman..kung ganun, effective pa rin ba yung salitang “ingat”? o nakasanayan na lang?
PAG IBIG 101
1. Kung nahihiya kang manligaw sa kanya, hindi mo siya mahal. Mahal mo ang sarili mo. Dahil kadalasang rason kung bakit ka nahihiya’y dahil may takot kang baka pintasan ang suot mo, mapupuna na pango ang ilong mo, o baka wala kang masabi kapag nasa harapan mo na siya. Ang nakikita mo’y ang kahinaan mo, ang sarili mo at hindi siya.
2. Kung umiibig ka nga, siya at siya lagi ang laman ng utak mo. Kaya ka tinutubuan ng tigyawat, laging tulala, at walang ibang mahalaga kundi sya. Huwag kang kabahan, normal lang talaga ‘yun.
3. Walang eksperimento sa Pag-ibig 101. Kung pinapakiramdaman mo lang kung sasagutin ka niya o hindi, kalimutan mo na ang eksperimentong ‘yan. Kadalasan, hindi nagtatagal ang relasyong nagsimula sa subok lang.
4. Hindi mo kailangan ng tulay para masabi sa kanya na mahal mo siya. Ang tunay na umiibig, binabale-wala ang mga sagabal para makamit ang pag-ibig na inaasam. Huwag mo nang antayin ang kaibigan mo para siya ang magsabing mahal mo siya, puntahan mo na’t baka maunahan ka pa.
5. Ang pag-ibig na nararamdaman mo’y hindi lang ikaw ang nakakaramdam, lahat tayo’y may kakayahang umibig. Kaya’t huwag ka nang magtaka kung ang kaklase mo’y iniibig din niya ang iniibig mo. Kaya’t kung gusto mong malaman niyang mahal mo siya talaga, ipakita mo, ligawan mo siya, kausapin mo, sunduin mo at ihatid sa kanilang bahay.
6. Kung binasted ka niya, huwag mong ipagpilitan ang sarili mo, hindi niya maramdaman ang nararamdaman mo. Tanggapin mo ‘yun.
7. Saka ka lang mag-antay ng isang taon para sa matamis niyang OO kung pinakitaan ka ng dalawang bilog ng Fita sa harapan mo. Ang ibig sabihin nun ay torpe ka lang talaga, kailangan mo lang basahin ang mga galaw niya para malaman mo ang hindi niya kayang sabihin ng harapan sa ‘yo.
8. Kung ibinigay niya sa ‘yo ang matamis niyang OO, hindi yun ang final exams ng Pag-ibig 101. Ibig lang sabihin nun, pumasa ka sa prelim exams.
9. Ang pag-ibig, parang halaman yan, mula sa butil na itinanim mo, kailangan mong diligan at alagaan araw-araw. Hindi ‘yun nagtatapos sa pagtubo niya, kailangan mo siyang ingatan para di malanta.
10. Dalawang tao ang kailangan para mabuo ang isang pag-ibig. Komunikasyon sa pagitan niyong dalawa ang kailangan para mapanatili niyo ang alab ng pag-ibig na ‘yan.
The rules of practicing “ugaling langit, ugaling kaaya-aya
#1 Ang naunang magalit ang may karapatang magalit. Pag naunahan ka na ng galit niya, tumahimik ka na lang muna.
#2 Walang taong nag-aaway mag-isa. Pag hindi kayo sumagot o pumatol, titigil din daw ang taong nakikipag- away sa inyo.
#3 Ang taong galit, ‘bingi.’ If someone is angry, wala raw pinakikinggan, so, don’t try to explain and fight back. Hindi ka niya iintindihin dahil wala siyang naririnig kundi ang sarili nya.
#4 Ang taong galit, ‘abnoy.’ Ayon sa pastor, Biblical daw ito? because the Lord said when He was crucified, “Father, patawarin mo sila dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” Modern term for these kinds of people are abnoys, so you better not get angry para huwag kang matawag na abnoy.
You should also know and realize that the persons who make your day bad are jewel, because you need them for you to mature.
Hangga’t andyan daw sila at kinaiinisan mo, ibig sabihin, immature ka pa. God will not take away those people; it’s for you to take away your bad feelings towards them. You’ll know na mature ka na pag dumating ‘yung time na hindi ka na naiinis sa mga taong ito because you have learned to accept them and to have patience with them.
#5 Finally, the best part of this is to tell yourself na, because of this person, “I will grow mature,” and that DAHIL SA CONTRIBUTION NIYA SA MATURITY MO, KUKUNIN DIN SYA NI LORD.

Mirienda para sa utak
"Kahit gano katagal mong titigan ang alak sa mesa, hindi ka malalasing kung hindi mo sisimulang uminom."
May mga taong alam na ang kailangan nilang gawin para maumpisahan ang kanilang mga plano sa buhay, ngunit hindi sapat ang gustuhin mo lang ang isang bagay. Dahil kahit gaano mo kagusto na maisagawa ang mga plano mo, kung hindi ka magkakaroon ng paninindigan na magsimulang kumilos, mananatili kang tagasubaybay sa pag-unlad ng ibang tao.
Pano ka matatapos, kung hindi ka mag-uumpisa?
Para makasiguradong hindi ka sasagutin ng pabalang ng mga anak mo... wag mo silang kausapin... forever.

IDOL KO si Bob Ong
Mga qoutes ni BOB ONG
"Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag."
"Sabi ni Exupery, ang pinakamahalagang bagay sa mundo, hindi nakikita ng mata.."
"Nakakatakot nga na mapagkamalang hindi ka pwedeng mahalin o mapagkamalian kang mahalin dahil sa itsura mo."
"Ang kakulangan ng katauhan ko, pinunan ko ng pagiging makatao."
"Walang bayaning makapagliligtas sa akin dahul ang pinakamalaking kalaban ko ay ang sarili ko."
"Ang trahedya ng buhay ko? Hindi ako nagkaroon ng kapangyarihang makapagsabi ng tamang bagay sa tamang tao sa tamang panahon"
"nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."
"...mas marami pa s'yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n'ya, mas marami pa s'yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n'ya, at mas mataas ang halaga n'ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n'ya tuwing sweldo."
"...madaming teacher sa labas ng eskwelahan. desisyon mo kung kanino ka magpapaturo."
"mag-aral maigi; kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher." "iba ang informal gramar sa mali!!!"
"Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko."
"kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa mga damo"
"Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."
"hikayAtin m0 LahAt ng kakilala m0 na mAgkaro0n kahit isA man lang paboritong libro sa bu0ng buhay nilA..dahil walA ng mas nakakaawa pa sa mga ta0ng literado per0 hindi nagbabAsa "
"kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n'yo, kayo ang niloloko namin; hindi kayo ang nakapanloloko."
"dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung 'di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit.sobrang luri. kung alam lang 'yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela."
"Para san ba ang cellphone na may camera?Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay."
"ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko "
"iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala"
"mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala"
"Titingnan mo ba ang basong kalahating bawas o kalahating puno?"
"hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan."
"bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?
"hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."
"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"
"hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"
"Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."
"Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!)."
"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."
"Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa'yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?"
"Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba't-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan...""
"Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."
"Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko." "Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras."
"Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko." "Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa."
"Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!"
"Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."
"Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."
"Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba. "
"Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
"Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."
"Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
"Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."
"Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."
"Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."
"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang."
Sorry, Pipol lang
Double pakyu with cheese sa mga taong nagsasabi nyan. Tuwing nagkakamali sa pagsasalita, "Sorry, tao lang.". Tuwing nagkakamali sa simpleng bagay, "Sorry, tao lang.". Utang na loob, hindi nakakatawa. Oo nga, tao ka lang at nagkakamali. Pero kung tuwing sa LAHAT ng kabobohan mo, yan ang patawang hirit mo, gago ka. Ang mga tao ang binigyan ng pinaka mataas na pagiintindi, at ang mga tao ang binigyan ng pinaka malawak na sense of reason.Kung aso ka at tinitira mo ang hita ng amo mo dahil nag-iinit ka, pwede mo sabihin ang "Sorry, hayop lang." Kung pusa ka at kinain mo ang ulam ng mga tao sa bahay, "Sorry, hayop lang.". Kung baboy ka at nangungurakot ka sa gobyerno, "Sorry, hayop lang.". Kung kalabaw ka at nanuwag ka ng magsasaka, pwede mo din sabihin ang "Sorry, hayop lang.". Pero kung tao ka, tigilan mo na ang nuknukan ng korning hirit na "Sorry, tao lang." dahil nahihirapan nang tumawa ng peke ang mga kakilala mo tuwing ihihirit mo yan.
Mga natutunan ko sa iba’t ibang tao.
“Hindi dahil anihan ‘to, aani ka na agad. Kailangan mong magtanim din.”
-Magsasaka
-Magsasaka
“Minsan, kailangang lumayo para lang makita mo ng malinaw ang mga bagay bagay.”
-Farsighted people
-Farsighted people
“Wag mong sabihing bibili ka ng kendi kung wala kang pera— Parang love lang ‘yan, kung papaasahin mo lang siya, ‘wag mo nalang guluhin ang mundo niya.”
-Tindera
-Tindera
“Kapag handa kang humawak ng baril, dapat handa ka din tamaan ng bala.”
-Sundalo
-Sundalo
“Dapat nga, habang tumatagal, lalong napapamahal.”-Antique Vendor
“If you have to choose between your love and dreams… Piliin mo ang pangarap mo. Kasi kung mahal ka niyang talaga, maiintindihan niya. At kung dumating ang panahon, pagbalik mo at wala na siya, accept it. Hindi siya para sa’yo kasi hindi ka niya naintindihan. Hindi ka nga niya mahal.”-Madaming alam
“Kung hindi ka marunong mag sorry, mabuti pang huwag kang gumawa ng bagay na makakasakit… At kung marunong ka naman mag sorry, huwag mong gawing dahilan ‘yon para paulit-ulit na makasakit.”-Ilang beses nang sinaktan
“Nakaka-inggit ‘yung mga matatagal nang magkarelasyon. Pero mas mainggit ka sa mga matitibay na magkarelasyon.”-Inggitera
“Forget about the signs. Ikaw lang at ikaw lang ang makakaalam sa tunay mong nararamdaman.”-Nahuling hindi sumunod sa traffic light
Di ibig sabihin na mas pinili niyang maging magkaibigan kayo, wala ka nang halaga sa kanya. Mas pinili lang niya kung saan kayo magtatagal dahil ayaw ka niyang mawala sa kanya.
-Friend zoned
“Sana sa langit na lang napupunta ang mga taong mapagpanggap. Ayaw ko kasi ng amoy ng nasusunog na plastik.”-Satanas
-Friend zoned
Sabado, Marso 24, 2012
Keyboardista
Alam mo ba na ang key ng letter "E" sa keyboard ng computer o laptop ang pinaka unang nawawalan ng sulat sa mga mas madalas magtype ng english? At sa Pilipinas, key ng letter "A" naman ang pinaka unang nabubura sa keyboard. Yan ay dahil "E" ang pinaka ginagamit na letter sa english words at "A" naman ang pinaka laspag na letra sa Filipino words. Pinaka unang nabubura lang naman yang mga yan. Hindi naman sila nabubura agad.
Sige na, wag mo nang pigilang tingnan yung keyboard mo. heheh :p
Sige na, wag mo nang pigilang tingnan yung keyboard mo. heheh :p
0ppurtunidad
Kung sa kakahintay mo ng oportunidad para umunlad 'e walang nangyayare sayo. Hindi ba panahon na para ikaw ang gumawa ng oportunidad para sa sarili mo? Kahit gano kadami, at kahit gano kaganda ang mga planong naiisip mo, kung naghihintay ka lang ng magandang pagkakataon para magsimula, anong gagawin mo pag hindi dumating yung pagkakataon na yon. Pababayaan mo na lang bang manatiling magandang idea ang mga naiisip mo habangbuhay? Isipin mo na lang na kailangan mong ligawan ang bawat oportunidad. Pag may nililigawan ka na sobrang gusto mo, sya ba ang hihintayin mong dumating, o sya ang pupuntahan mo?
Sabado, Marso 17, 2012
Kung walang kryptonite, hindi pwedeng maging matapang si Superman
Ganito kasi yan... Hindi ka pwedeng maging matapang kung indestructible ka. Kung alam mong hindi ka malalagay sa delikado, invincible ka lang. Kahit pa humarang ka sa tangke, kung alam mo naman na walang pwedeng mangyaring masama sayo, hindi katapangan yon. Pero halimbawa alam mong pwede kang mapahamak, pero ginawa mo parin ang isang bagay dahil kailangan, matapang ka. Kaya kung tutuusin, si Superman, nagiging tunay na matapang lang yan tuwing alam nyang may malapit na kryptonite at pwede syang matalo sa laban, pero sumusugod parin sya. Basta pag invincible ka, hindi ka pwedeng maging matapang. Parang ganito lang yan... Yung mga mister na panget na tapos banban pa dumiskarte sa chicks, hindi sila pwedeng maging faithful at loyal kahit hindi sila mambabae.
*Wag piliting intindihin kung hindi abot ng I.Q. mo. HAHaha
*Wag piliting intindihin kung hindi abot ng I.Q. mo. HAHaha
My mga bagay na hidi nakukuha sa SORRY .OK?!
Pag may nakabanggaan ka habang ng balikat dahil nagtetext ka habang naglalakad, pwede mag-sorry. Pag may nabundol ka ng sasakyan mo dahil nagtetext ka habang nagda-drive, hindi pwedeng sorry lang. Pag may napatid ka dahil nakausli ang paa mo habang nakaupo ka, pwedeng mag-sorry. Kung waiter na may dalang mga order ang napatid mo, lalo na kung may natalsikan o natapunan ng dala nya, hindi pwedeng sorry LANG. May mga sitwasyon talaga na hindi pwedeng palampasin sa simpleng sorry. Kailangan mong i-take into consideration kung baket ka nagkamali at kung ano ang resulta ng pagkakamali mo. Kung wala namang nasaktan, sige "sorry" yan. Kung may ibang napahamak, kahit hindi mo sinasadya, take responsibility sa nagawa mo. Pero applicable lang yan sa mga bagay na HINDI MO SINADYANG GAWIN. Kung sinadya mo at alam mo ang posibleng mga resulta ng gagawin mo, hindi pwede ang "sorry".
Kung nambabae o nanlalake ka? Hindi ka pwedeng mag-sorry. Dahil sinadya mong mangbabae, at alam mong masasaktan ang partner mo kung lolokohin mo sya. Pag nahuli ka, dun ka lang naman nagsosorry. 'E kung hindi ka nahuli, tangina magso-sorry ka ba? Ulol. Hindi ako nagmamalinis, kung mambababae ka, bahala ka sa buhay mo. Ang point lang 'e wag ka nang magpanggap na "sorry" ka pag nahuli ka. Man up, at tanggapin mo lahat ng consequences. Kailangn mong tanungin sa partner mo kung ano ang kailangan mong gawin para makabawi. Pwede kang magmakaawa, pero sa huli, swerte mo na lang kung patawarin ka nya nang hindi sya gumaganti.:evillaugh:
Malaking bagay ang nagagawa ng "sorry". Kung tatanggapin mo lang ang pagkakamali mo, haharapin mo ang consequences, at kung babawi ka sa nagawa mong kalokohan. Wag mong abusuhin ang "sorry". Wag mong laspagin yan sa mga bagay na hindi mo naman talaga pinagsisisihan. Kung tutuusin dalawang statement ang importante sa magandang pakikisama, "Sorry" at "Thank you."Madaling gamitin sa tamang sitwasyon ang "Thank you." o "Salamat." pero madami sa atin ang wala pa sa kalahati ang awareness sa tamang pagputak ng "Sorry." Tandaan mo, sa punto na sinadya mo, at alam mo ang mga pwedeng resulta ng kalokohan mo, wala kang karapatan ipilit sa tao ang "Sorry."

Ligaw 101,SOS, o ano pang kadramahan maligtas ka lang sa kamay ni mang BUSted
Ang dami-daming nagtatanong kung pano manligaw/mapapasagot ang isang babae. Kayong mga lalake na nangangapa sa pagbenta ng sarili nyo sa mga babae eto na ang sagot ko. Eto isang bagsakan na lang kaya intindihin nyo mabuti.
Madaming bagay na involved sa ligawan. Masyado ding malaki ang sakop ng term na "ligawan" kaya yung mga basic at general situations ang hihimayin natin. Sa susunod, bahala na kung matripan kung magsulat ng isang buong guide ng ligawan. Pero sa ngayon makontento na kayo dito.
Sa totoo lang hindi ako naniniwala sa ligawan. Kalokohan yan. Dalawang tao na nagpapanggap maging mabait? Komedi. Pero kasama sa diskarte ng buhay yan kaya wala tayong choice. Ok game eto na...
Sa umpisa pa lang, pag pinayagan ka ng babae manligaw, may gusto na sayo yan. Hindi naman papayag yan kung ayaw nyan lambingin, bolahin, at dalaw-dalawin sya nung lalake. Kaya kung tutuusin ang panliligaw ay nagsisimula bago pa mismo ang "ligawan". (Kuha mo? Siguraduhin mong humahabol yang utak mo ha.) Bago mo pa itanong kung pwede kang manligaw, pabanguhin mo na ang dating mo sa kanya. Ipakita mo na "ok" ka. Para pag nagtanong ka na kung pwede manligaw, mas malaki ang chance na pumayag. Pero matuto ka ding makiramdam. May mga babaeng trip lang magpaligaw dahil nakakalibre sila ng kain, nood ng sine, at may taga-hatid at sundo pa sila. Hindi naman lahat, meron lang. Kung alam mong ginagago ka na, tumigil ka. Wala ka nang pag-asa pag ganon dahil hawak ka na nya sa itlog.
Eto ang mga tipo ng lalakeng nagugustuhan ng mga babae; Rich, Powerful, Funny. Maging isa ka lang sa mga yan, may pag-asa ka nang makadagit.
Rich: Hindi kailangang sobrang yaman. Basta mukang kayang bumili ng pangngailangan, at gumastos ng luho. Mas nakakadagit 'to ng mga babaeng naghahanap na ng mapapangasawa.
Powerful: Hindi ibig sabihin maimpluwensya ka, may koneksyon, o may power talaga. Eto yung mga taong pinakikinggan ng iba. Yung malakas ang dating. NIRERESPETO.
Funny: Mukang pinaka madali maging yan, pero kung tutuusin, yan ang pinaka mahirap gawin. Maging totoong nakakatuwa. Hindi lang nakakatawa, kailangan nakakatuwa. Pag napapatawa mo kasi ang babae, feeling nya masaya sya. At kung gusto nyang mas madalas maging masaya, gugustuhin nyang mas madalas kang kasama.
Malaking factor kung may itsura ka. Halos 70% na ang chance mong sagutin kung gwapo ka. Pero kung medyo dehado ka sa itsura, wag kang mawalan ng pag-asa. Madaming paraan para hindi mapansin yan. Dyan papasok ang pagiging mister personality.
Wag masyadong magmukang pa-sweet. Kadalasan, ayaw ng babae ng lalakeng mukang hindi sila kayang ipagtanggol.
Wag seloso. Nawawala ang aura ng confidence pag nagseselos.
Magmumuka kang walang bilib sa sarili. Kung hindi pa kayo wala kang karapatan magselos.
Magkaron ng bilib sa sarili, pero ibaba mo ang sarili mo sa kanya. Para medyo bumaba ang expectations nya, at pag may ginawa kang maliit na bagay lang, sobrang maa-appreciate na nya.
Malaki ang impact ng surprises. Gawin mo ang hindi nya iisiping magagawa mo para sa kanya. O kahit simple lang basta hindi nya inaasahan. Be spontaneous.
Kung 1st date nyo, wag manood ng sine or concert, o pumunta sa club na mainggay. Dalhin sa lugar na tahimik at pwedeng mag-usap. Hindi sa motel gago.
Secret Weapons:
Reciprocal Feelings: Pag may nagkakagusto sayo at laging nagpapapansin sayo. Tapos isang araw bigla na lang mukang wala syang interest sayo. Diba apektado ka. Parang "Baket?" pumanget ka ba? Anong nagyare? At ikaw naman ang pasimpleng magpapapansin dun sa dating papansin sayo. Effective din yan kung ikaw ang nagpapapansin at bigla kang titigil sa papansin mo. Sya naman ang magpapapansin.
Gago Effect: Minsan gusto ng babae ng gago. Hindi yung sa iligal na paraan. Yung mukang malabo. Nacha-challenge kasi sila. Isip nila sila ang magpapatino sayo. At totoo naman. Minsan babae lang talaga ang magpapatino sayo. At special ang feeling nila dahil sa kanila ka lang matino. Hindi ko sinasabing magpakagago ka. Ang diskarte lang dyan, wag bait-baitan. Wag mong itago ang mga dumi mo. Minsan nakakatulong pa yan.
Madami pang pasikotsikot ang panliligaw. Hindi ako nagmamarunong. Base lang yan sa mga naobserbahan ko sa sarili kung diskarte. Pero gaya nga ng sinabi ko, hindiako naniniwala sa ligaw. Kaibiganin mo, konting pakiramdaman, tapos magtapat ka na na gusto mo sya at gusto mong maging kayo. Minsan sila pa ang unang gagawa ng paraan para maging kayo. Magpasalamat ka na lang pag nagyare yon.
Something to think about:
Pangliligaw... Pangli-LIGAW. Nililigaw nyo ang isa't-isa. Nililigaw nyo ang utak nyo sa pagpapakita ng mga ugali na minsan hindi na natural sa inyo. Isipin mo... Baket may mga nagliligawan ng ilang buwan tapos pag naging sila naghihiwalay pagkatapos lang ng ilang linggo? Dahil na-LIGAW sila, at nung naging magshota, nahanap nila ang katotohanan na wala silang chemistry.

Madaming dahilan kung baket "kulelat" tayo MADALAS (Madalas lang, hindi lagi) sa kung ano-anong bagay
Kulelat sa technology?
Iba-iba ang dahilan nyan. Una dahil hindi masyadong nagko-concentrate sa tech development ang Philippine government. Pangalawa, wala din namang masyadong local manufacturers ng gadgets dito. Kung meron mang magkaron ng makabagong idea sa technology sa atin, kulang sa pondo at hindi nasosoportahan ng gobyerno. Mas inuuna kasi ang mga projects para sa mga mahirap dahil mas madaming mahirap dito. Matagal na proseso kasi ang pagdedevelop ng bagong technolohiya, at ang gustong ibigay ng gobyerno sa mga tao ay instant tulong, para bida sila agad kahit nangbubulsa sila ng pera ng bayan.
Kulelat sa music?
Ngayon na lang nangyare yan. Kung internationaly, oo kulelat tayo lagi sa music dahil ang mga mas maimpluwensyang bansa ang nagdidikta ng uso. Syempre una sila, at sa panahon ngayon, kung hindi ikaw ang nauna, ma-late ka lang ng isang araw, kulelat ka na. Pero kung sa lokal na music scene, nagkaron din naman ng mga panahon na buhay ang music industry dito saten. Nagkataon lang na garapalan ang piracy dito. Nandyan din ang fact na pwede nang i-download ang mga kanta ng libre. Yan ang mga dahilan kung baket nawawalan ng gana mag-produce ng mga bagong kanta dito sa atin. Wala na kasi masyadong kita sa album sales, mas kumikita sa gigs at concerts ang mga artists. Kulang din tayo sa international exposure. Kaya kahit may ibubuga, hindi natin mapasikat internationally kung walang tulong ng ibang bansa.
Kulelat sa etc.?
Kung sa pagiging mas huli (hindi naman kulelat, mas huli lang) sa iba pang bagay, ang sagot ay ang kakulangan sa originality. Hindi naman tayo mabagal. Kung tutuusin mabilis nga tayo. Mabilis tayong mang-gaya. Pag uso sa ibang bansa, gusto na din nating pausuhin dito. Syempre nauna sila, edi ano tayo? Nagmumukang kulelat. Kung tayo ang magpapauso, edi hindi na tayo pwedeng mangulelat. Kaso masyadong malaki ang impluwensya ng Cable T.V., Magazenes, at Internet, kung saan hawak ng international pop culture ang dinidikta ng kung ano ang uso.
Kahit naman siguro mahawakan natin ang dikta ng kung ano ang uso, at magkaron tayo ng bagay na pwedeng ipa-uso, hindi naman natin kayang pausuhin. Kulang tayo sa pondo, kulang tayo sa soporta, kulang tayo sa kaalaman, at kulang tayo sa lakas ng loob.
Madami na ang bagay na Pilipinas sana ang nanguna, o bagay na Pilipino ang naka imbento. Kaso dahil sa pagkukulang, ibang bansa ang nagpapa-uso at hindi sa atin napupunta ang full credit. Tulad ng fluorescent lamp, Incubator, Moon Buggy, at Karaoke Machine. hayz :slap:

Yung mga taong hindi nagigising sa kahit anong kalabog ng katotohanan, yan yung mga taong nagtutulog-tulugan dahil kontento na sila sa pekeng panaginip ng pag-asa."
Merong mga taong ayaw, o takot kumilos para sa solusyon ng problema nila. Pinapa-ubaya na lang nila sa mga "posibilidad". Iniisip nila na posibleng lumipas ang problema pag dumating ang oras na may mangyareng iba sa buhay nila. Hihintayin nila ang oras na yon, at pag hindi parin nawala ang problema nila, iisip na naman sila ng ibang posibilidad at maghihintay lang ulit na mangyari yon. Paulit-ulit na proseso. Walang katapusan na paghihintay. Nagiging tau-tauhan sila sa sarili nilang buhay. Yan ang pagtutulog-tulugan sa katotohanan para sa walang katapusan na pekeng panaginip ng pag-asa. Maswerte ang mga nagigising at kumikilos para sa pagbabago.
Malas ng iba dahil napipilitan lang silang gumising dahil may dumating na "bangungot". Kunin mo ang pagkakataon na 'to para isipin kung ganyan ka. Kung ang sagot mo ay hindi, pag-isipan mo ulit, baka nagtutulog-tulugan ka pa. Wag kang mag-alala kung sa tingin mo nagtutulog-tulugan ka, dahil kung na-realize mo na ganyan ka ibig sabihin gising ka na. Kailangan mo na lang bumangon.

Iba ang mali sa bawal
Lahat ng mali, bawal. Pero hindi lahat ng bawal, mali. Nagiging mali ang isang bagay kung may nasasaktan, naaapi, o naiisahan dahil sa bagay na yon. Ang pagiging bawal naman ng isang bagay ay may pinagbabasihan na batas o rule. Kung labag sa rule, bawal na yon, pero pwedeng hindi mali. Ganito na lang, para mas madali mong matandaan; Malalaman mong mali ang gagawin mo kung may maaaragabyado sa kahit na anong paraan pag ginawa mo yon. At malalaman mong bawal ang gagawin mo kung kaya mo syang ipagyabang sa mga kabarkada mo, pero ikahihiya mo syang ikwento sa magulang mo.
Huwebes, Marso 15, 2012
My favorite Creations
pop art-i like his hair style
the Rainbow effect-
Shattared glass and fire? effect
Surrealism-just a little bit clone,brushes, and pen tool
Typography
Ito pa (ps, coreldraw)
2 stocks become 1- masking tool, opacity, image adjustments,hmm nakalimutan kuna yung iba :)
Using CorelDraw X5-it rocks, first time to used it i like the beizer tool
Vexel Art . Tinamad na ako tapusin :p
Image from different forms of pattern-pattern effect
The name says it all
Imagine a World without free knowledge acquire in the internet
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)