Sabado, Marso 17, 2012

Iba ang mali sa bawal

Lahat ng mali, bawal. Pero hindi lahat ng bawal, mali. Nagiging mali ang isang bagay kung may nasasaktan, naaapi, o naiisahan dahil sa bagay na yon. Ang pagiging bawal naman ng isang bagay ay may pinagbabasihan na batas o rule. Kung labag sa rule, bawal na yon, pero pwedeng hindi mali. Ganito na lang, para mas madali mong matandaan; Malalaman mong mali ang gagawin mo kung may maaaragabyado sa kahit na anong paraan pag ginawa mo yon. At malalaman mong bawal ang gagawin mo kung kaya mo syang ipagyabang sa mga kabarkada mo, pero ikahihiya mo syang ikwento sa magulang mo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento