Mga itinatagong damdamin,kuro-kuro, at saloobin ng isang taong tahimik pero pag bumanat sobrang nakakakilig heheh
Biyernes, Abril 6, 2012
Wag munang BASAHIN ITO
Magsasayang ka lang ng oras kung itutuloy mong basahin ito. Kung nasimulan mo nang basahin ang unang sentence, ok lang, pwede ka pang huminto. Wag mong sayangin ang oras mo. Maniwala ka, wala kang mapapala kung itutuloy mo ang pagbasa. Alam nyong lahat na matrip ako, pero ngayon, seryoso ako sa sinasabi ko na wag mo nang basahin ito kung ayaw mong manghinayang sa oras mo. Kung nagbabasa ka parin, aba e matigas talaga ang ulo mo. Sinabi na ngang walang kwenta ito kaya yung susunod nalang ang basahin mo. Ayaw mo talagang huminto no? Talagang pinanindigan mo ang pagbabasa nito. Pasalamat ka at may awa ako kaya tatapusin kuna ito dahil alam kung madami parin sainyo ang matigas ang ulo at nagbasa nito kahit na sa umpisa pa lang, sinabi kunang wag mo nang basahin ito. The End
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento